Lalaki patay, 1 pa kritikal sa pananaga sa Zamboanga Sibugay

Injured Killed
1 1

Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo

ZAMBOANGA CITY – Isa ang patay habang malubhang nasugatan ang isa pang kasamahan nito sa insidente ng pananaga na nangyari sa may Barangay Poblacion, Siay, Zamboanga Sibugay.

Kaagad binawian ng buhay ang biktimang si Jonathan Generosa, 25, habang ginagamot naman sa ospital ang kasama nitong si Ric-Ric Makiling, 19, na nagtamo rin ng mga grabeng sugat sa ulo at katawan na mga residente ng naturang lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na bandang alas-2:00 ng madaling araw, habang mahimbing na natutulog ang mga biktima sa loob ng tinitirahan nilang bahay nang pasukin umano ng dalawang suspek na kinilalang sina Jiji Manlapus at si Omeng Manlapus at bigla na lamang pinagtataga ang mga biktima.

Personal na galit ang isa sa nakikitang motibo ngayon ng pulisya sa insidente.

Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ngayon ng mga pulis ng Siay municipal police station para maaresto ang mga nakatakas na suspek. (MRDS)