Lalaki nang-hostage matapos biruin na pinatay at kinain ang ina

Injured Killed
1 0

Date: 13 April 2013
Source: Bombo Radyo

GENERAL SANTOS CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos binaril ng pulis sa nangyaring hostage taking sa Lun Padido, Malapatan, Sarangani Province.

Ang biktima ay nakilalang si Dodong Comahig, residente sa nasabing lugar, na siya ring bumihag sa kanyang tiyuhin matapos umanong biruin hinggil sa narinig na balita.

Naglakad lang umano ang biktima mula sa Tupi, South Cotabato hanggang sa Lun Padidu.

Pagdating sa naturang lugar ay nagalit si Dodong dahil naniwala ito na pinatay umano ang kanyang ina maliban pa sa pagkain dito.

Habang pinapakalma ng kanyang tiyuhin ay hindi naniwala si Comahig na nagresulta sa pangho-hostage.

Dahil sa pangyayari, rumesponde ang Malapatan PNP pero muntik pa nitong tinaga si Police Inspector Rodel Javison, deputy chief ng Malapatan PNP kaya binaril ang hostage taker.

Ang biktima ay sinasabing may deperensya sa pag-iisip at ginagamot sa ospital sa GenSan.