Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 21 February 2013
Source: Remate.ph by Rubie Garcia Feb 21, 2013 9:48am HKT
CAVITE – Isang 21 anyos na lalaki na may tama ng bala sa ulo ang natagpuang patay at nakahandusay sa harapan ng sabungan, tabi ng kalasada sa Aguinaldo Highway, Barangay Salitran 2, Dasmarina City, Cavite.
Kinilala ni PSupt. Ulyses Cruz ang biktima na si Wilmer Laudato, 21 anyos, binata residente ng # 33 Don P Campos Avenue, Brgy Zone 2 ng lungsod ding ito.
Sa imbestigasyon ni Po3 Paulo Figueroa, may hawak ng kaso, dakong alas 7:00 ng umaga ng makatanggap sila ng tawag mula sa Arcontica Coliseum na may natagpuan umanong isang patay na lalaki sa harapan nito.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, alas 6:00 ng umaga ng matagpuan ng isang nagngangalang Cris John Dellomos, 24 , residente rin ng Brgy. Zone 2 ang nakakita sa duguang bangkay ng biktima na nakahandusay sa harapan ng nasabing sabungan na may tama ng ng bala sa ulo.
Hinihinalang sa ibang lugar isinagawa ang pagpatay at itinapon lamang sa nasabing lugar sa dahilang walang sino man ang makapagsabing may narinig silang putok ng baril dito.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing follow up ng pulisya hinggil sa nasabing kaso gayundin sa pagkakakilanlan ng suspek.