Lalaki kritikal sa tarak ng inawat na senglot

Injured Killed
1 0

Date: 25 March 2013
Source: http://www.remate.ph/2013/03/lalaki-kritikal-sa-tarak-ng-inawat-na-senglot/

 

KRITIKAL ang kondisyon ng isang lalaki matapos saksakin ng inawat niyang lasing sa Caloocan City, Linggo ng gabi.

Inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center si Noel Cabanban, 32 ng Torres Bugallon ng lungsod, dahil sa tinamong saksak sa dibdib.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Ronnie Ablenida, nasa hustong gulang at residente rin sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi, lasing ang suspek at naghahamon ng away sa nabanggit na lugar.

Inawat ng biktima ang suspek na ikinagalit ng huli na naging dahilan upang magbunot ng patalim at saksakin si Cabanban.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC.

Samantala, malubhang nasugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kainuman sa Caloocan, Linggo ng hapon.

Inoobserbahan sa Tala Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Samuel Carillo, 54 ng Phase 8-B, Bagong Silang ng lungsod.

Nadakip naman si Leopoldo Esguera, 50 ng Boungainvillae St., Camarin ng lungsod.

Base sa ulat, dakong ala-1:45, nag-iinuman ang biktima at suspek sa tabi ng bahay ng huli nang biglang magtalo.

Pumasok sa loob ng bahay ang suspek at paglabas ay may dalang patalim at pinagsasaksak ang biktima.

Matapos ang insidente, dinala ang biktima sa ospital habang nadakip naman ang suspek ng mga rumespondeng mga pulis.

Inaalam na kung ano ang pinagtalunan ng dalawa na nauwi sa saksakan.