Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Inihahanda na ang kasong isasampa sa isang lalaki sa Quezon Province matapos gahasain ang isang 25-anyos na babaeng may problema sa pag-iisip.
Kinilala ang suspek na si Rodrigo Barral, 30-anyos ng Lucena City.
Batay sa ulat na ipinadala ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), inireklamo si Barral ng hindi na pinangalanang biktima dahil sa umano’y panggagahasa sa kanya sa loob ng kanilang bahay.
Mismong ang biktima ang nagsumbong nito sa kanyang ina dahilan upang magsumbong sa mga otoridad.
Kaagad nagsagawa ng operasyon ang PNP Lucena City at dito nahuli ang suspek.
Todo-tanggi naman ang suspek at sinabing hindi niya ginagalaw ang biktima.
Sa ngayon, nananatili si Barral sa kulungan.