Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 09 July 2013
Source: Bombo Radyo
CAGAYAN DE ORO CITY – Patay na nang marekober ng ilang residente ang isa umanong miyembro ng grupong Batang Mindanao (BM-29) sa madamong na bahagi ng Brgy Gusa sa syudad ng Cagayan de Oro.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, inihayag ni Dr. Christian Caballes na siyang medico legal ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na kinilala ang biktima na si Reynold Arlos,28 anyos na residente sa Brgy Consolacion nitong lungsod.
Sinabi ni Caballes, brutal umano ang pagpatay sa biktima dahil tinalian ng cable wire ang kanyang paa’t kamay bago inilagay sa sako at itinapon sa lugar.
Ayon kay Caballes, ilang araw na umanong patay ang biktima dahil sa masansang na amoy nang makita ng ilang residente sa nasabing brgy.
Una rito, mag-ilang linggo na ring missing ng biktima at pinaghahanap na ng mga kaanak.
Patuloy pang inaalam ng pulisya kung ano ang motibo at kung sino ang pumatay na lalaki.