Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 01 June 2013
Source: Bombo Radyo
CAGAYAN DE ORO CITY – Isang lalaki ang brutal na pinatay at itinapon sa may Zone 9, Anahaun Barangay Bulua sa lungsod kaninang umaga.
Ang biktima ay pinaniniwalaang miyembro ng grupo na tinaguriang BM-29 o batang Mindanao kung saan nakasuot ng pink na t-shirt at maong na short pants.
Tinatayang nasa 20-30-anyos ang biktima at 5’3″ ang height.
Brutal na pinatay ang biktima dahil itinali pa ang dalawang kamay nito at binusalan pa ang bibig.
Nakuha sa kaniyang posisyon ng mga personahe ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang marijuana na nakabalot sa isang panyo at P100 na pera.
Nagtamo ito ng dalawang tama sa baril ng kaniyang ulo na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Hanggang ngayon hindi pa nakikilala ng pulisya ang biktima.