Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 05 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Binoga sa kanang mata na naging sanhi ng kanyang kamatayan ang isang lalaki ng kanyang nakasuntukan, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Dead on the spot ang biktimang si Rosanno Encarquez, 33, ng Pasco St., Tonsuya ng lungsod.
Nakakulong naman ang suspect na si Reggie Lopera, 17, ng Damata, ng naturang lungsod habang pinaghahanap naman ng pulisya ang tatlong hindi pa kilalang mga kasama nito.
Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi habang kasama ng biktima ang isang kaibigan at kasakay sa jeep ang mga suspect. Pagsapit umano sa Lubiran St., ay pumara ang nasawi pero sinundan ito ng mga suspect na naging dahilan upang sabihan ng nasawi ang kaibigan na tumakbo na.
Paglingon ng kaibigan ng biktima ay nakitang nakikipagsuntukan na sa mga suspect si Encarquez.
Kasunod nito ang pagbunot ng baril ng suspect at pinutukan ang biktima bago tumakas sakay ng jeep.
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
Agad namang nakaresponde ang pulisya at nadakip ang isa sa mga suspect kung saan nakumpiska rito ang isang kalibre .45 na ginamit sa pagbaril sa biktima.