Lalaki binaril sa ulo ng umano’y private armed group member

Injured Killed
1 0

Date: 09 May 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY – Binabantayan ngayon ang kalagayan ng isang lalaki makaraang barilin habang natutulog sa balkonahe sa Barangay La Purisima Siruma, Camarines Sur.
 
Kinilala itong Danilo Reputin y Ramos, 34-anyos, na residente ng Barangay Mabuhay.
 
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PO3 Alex Amaro, lasing ang biktima matapos na makipagpiyesta sa lugar.
 
Dahil sa kalasingan nagpahinga ito sa sa balkonahe ng isang bahay at walang anu-anong binaril ito ng hindi nakilalang mga suspek.
 
Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo ang biktima na nananatili pa ngayon sa Bicol Medical Center.
 
Ang mga suspek ang pinaniniwalaang miyembro ng private armed group na siyang ngayong binabantayan ng otoridad lalo pa’t papalapit na ang halalan.