Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 21 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang isang obrero nang saksakin ito ng nakababata niyang kapatid matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo dahil hindi pinautang ng una ang huli kamakalawa sa Navotas City. Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Gil Pahura, 43, ng Block 1, Row-5, Unit 35, Habitat, Baseco, Port Area, Manila sanhi ng malalim na saksak sa dibdib at tiyan. Pinaghahanap naman ng mga pulis ang nakababatang kapatid ng biktima na si Michael Pahura, pedicab driver, ng Brgy. NBBS, Navotas City. Ayon sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng hapon sa kahabaan ng Bonito St., Brgy. NBBS ng naturang siyudad. Sa pahayag ng saksing si Erwin Acedera, 25, nakita niyang nag-uusap ang magkapatid at sa hindi malamang kadahilanan ay humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa biglang nagbunot ng patalim si Michael at dalawang ulit na sinaksak ang biktima. Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspect habang ang biktima naman ay dinala ni Acedera sa nasabing ospital. PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: Napag-alaman pa na umuutang umano ang suspect sa kanyang kuya subalit hindi ito pinagbigyan ng huli dahilan para mauwi ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa saksakin nga ng suspect ang biktima.