Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 01 May 2013
Source: Bombo Radyo
BAGUIO CITY – Aabot sa P280,000 ang halaga ng mga alahas na ninakaw ng isang katulong mula sa isang Korean national sa Salud Mitra Barangay sa siyudad ng Baguio kagabi.
Ayon sa biktimang si Hyunmi Song, 43, may-asawa at residente ng nasabing lugar, una niyang napansin na nawawala ang kangyang mga alahas na kinabibilangan ng gintong bracelet na nagkakahalaga ng P200,000; gintong necklace na nagkakahalaga ng P40,000; gintong singsing na may halaga ng P10,000 at anim na piraso ng earring na nagkakahalaga ng P30,000.
Nang sinita nito ang kanyang katulong na si Marivic Mandapat a.k.a Jackielou Montano, 2, residente ng San Anthony Village, Lopez Jaena, Aurora Hill, Baguio City, agad nitong inamin na ninakaw at sinanla ang mga alahas sa isang mall sa lungsod.
Sa ngayon problema ni Mandapat kung paano niya mababawi ang mga alahas mula sa pawnshop sapagkat ang alyas niya ang kanyang ginamit sa transaksiyon at wala siyang maipakitang valid ID card.
Dahil dito, sinampahan ng Koreano si Mandapat ng kasong qualified theft at ngayon ay nakakulong sa Baguio City Jail.