Koreano natagpuang patay sa tangke ng tubig

Injured Killed
0 1

Date: 31 March 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng pulisya hinggil sa pagkamatay ng  isang Koreano­ na natagpuan sa loob ng  tangke ng  tubig kamakalawa sa Parañaque Cty.

Bukod sa naaagnas na katawan, ang ma­bahong amoy ang na­ging daan upang madiskubre ang bangkay ni  Kim Ji Hun alyas­ “John Kim”, 38, ng  #8V Avida Tower 5, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Ayon kay  Sr. Supt. Andrei A. Felix, hepe ng Parañaque City Police­, dakong alas-3:00 ng hapon nang matagpuan ng maintenance crew na si Rogelio Mercado ang bangkay ng  biktima sa loob ng water depository­ tank ng Avida Tower 5 sa nabanggit na lugar.

Aayusin sana ni Mercado ang tangke dahil sa kakaibang lasa ng tubig, nang mapansin nito ang uma­alingasaw na mabahong amoy.

Dito niya nadis­kubre ang bangkay ng  dayuhang biktima na nasa loob ng naturang tangke.

Agad na ipinag­bigay-alam ni Mercado sa mga awtoridad ang  insidente at nakilala lamang ang biktima sa pamamagitan ng Pinay na live-in partner nito na si Normelita Taguin.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon pa kay Felix, dakong alas-11:00 na ng gabi nang maiahon ang bangkay ng biktima dahil sa nakaka­sulasok na amoy nito.   

Aalamin ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ng Koreano­ lalo pa’t nakita sa CCTV na nagta­takbo ito bago natagpu­ang patay.