Injured | Killed |
---|---|
1 | 1 |
Date: 29 June 2013
Source: Bombo Radyo
CEBU CITY – Patay ang isang Korean national habang sugatan naman ang driver nito matapos tambangan ng hindi pa nakilalang riding-in-tandem na mga suspek sa A.S. Fortuna Street, Brgy. Banilad, Mandaue lungsod ng Cebu kaninang hapon.
Nakilala ang namatay na si Chong Wee Sung, 45, ng South Korea at pansamantalang nakatira sa isang hotel dito sa Cebu habang ang sugatan naman ay si Sunny Oval, 46, ng B. Rodriguez, Brgy. Capitol Site sa nasabing lungsod.
Ayon sa nakasaksi, sakay sa isang SUV ang Korean nang bigla itong pinaulanan ng bala ng backrider na suspek na sakay ng asul na Honda XRM.
Napag-alaman na bumunot ang suspek ng .45 caliber pistol at nang naubos na ang bala, kumuha naman ito ng .357 revolver.
Bagama’t hindi pa malaman ang motibo sa pananambang, nakita ng mga otoridad sa loob ng sasakyan ng Koreano ang hindi pa matukoy na halaga ng marijuana, shabu, pitong 5 ml syringe at iba pang mga gamit.
Samantala, patuloy pa ngayon na ginagamot sa Vicente Gullas Memorial Medical Center ang sugatang driver.