Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Matinding pamamaga ng mukha at ilang galos sa katawan ang sinapit ng isang kolektor ng pautang matapos pagnakawan ng lalaking tinanggihan nitong pautangin sa Nabua. Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Jose Clavillas, kolektor ng Bless Micro-finance.
Lulan umano ng kaniyang motorsiklo si Clavillas nang harangin ng mga suspek na sina Jose Garcia at Francis Mabansay.
Sapilitan umanong kinuha ni Mabansay ang P20,000 na hawak ng biktima ngunit nang tumanggi ito, ay hinampas naman ng kapirasong kahoy ni Garcia daan upang mahulog ito sa motorsiklo.
Natangay ng mga suspek ang pera subalit sa pagresponde ng mga otoridad ay nahuli naman si Garcia habang patuloy naman na pinaghahanap si Mabansay.
Nabatid na nagawa ng mga ito ang krimen matapos hindi pumayag si Clavillas na pahiramin ng pera si Mabansay matapos hindi makapagbayad sa una niyang utang.
Kasong robbery with frustrated murder ang kakaharapin ng mga salarin.