Kolektor ng koryente sa Pangasinan, hinoldap; koleksyon natangay

Injured Killed
0 0

Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo

DAGUPAN CITY – Umaabot sa P18,000 halaga ang natangay ng mga holdaper sa isang kolektor ng koryente sa bayan ng Malasiqui sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa mga otoridad nasa Barangay Apaya ang biktima na si Excelsor Navarro, para maningil sa bayan ng koryente doon at iniwan ang kanyang motorsiklo sa gilid ng kalsada saka pumasok sa looban.

Laking gulat na lamang daw nito matapos madatnan ang dalawang ‘di nakilalang lalaki na naghihintay sa kanya sa tabi ng kanyang sasakyan.

Nagpanggap pa umano ang mga suspek na magbabayad ng koryente ngunit pagkalapit niya sa mga ito ay agad siyang tinutukan ng baril.

Dito na nagdeklara ng holdap ang mga suspek.

Dahil sa labis na takot hindi na nakapalag ang biktima kayat ibinigay na ang kanyang nakolektang pera.

Hindi naman agad nakapagsuplong sa kapulisan ang biktima kaya’t hindi nagawang mahuli ang mga suspek.

Masusi namang iniimbestigahan ng mga otoridad kung hold-up me ang nangyari dahil nagawa pang umuwi sa kanilang bahay ang biktima bago dumulog sa himpilan ng pulisya.