Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 17 February 2013
Source: Bombo radyo feb 17, 2013
NAGA CITY – Patuloy ang nangyayaring holdapan sa lalawigan ng Camarines Sur.
Ang pinakahuling biktima ay isang kolektor ng isang financing company sa bayan ng Lagonoy na kinilalang si Archie Mirasol ng Misamis Occidental.
Ayon sa PNP-Lagonoy, nangongolekta lamang ng pautang sa naturang bayan si Mirasol lulan ng isang motorsiklo nang bigla siyang harangin ng dalawa kataong lulan din ng motorsiklo.
Tinutukan umano ang biktima ng caliber .38 revolver at pwersahang kinuha sa kaniya ang P10,000 at ang kaniyang wallet na may lamang mga importanteng dokumento.
Agad namang tumakas ang mga suspek.