Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 28 February 2013
Source: Remate.ph feb 28, 2013
Kelot tinarakan sa lamayan, kritikal
Feb 28, 2013 1:12pm HKT
MALUBHA ang kalagayan ng isang lalaki matapos saksakin ng hinihingan ng tong sa pagsusugal sa isang lamayan sa patay sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi (Pebrero 27).
Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center si Norberto Banagados, 43, ng Catherine St., Camarin ng lungsod, dahil sa tinamong saksak sa dibdib
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Brando.
Batay sa ulat, dakong alas-8:00 kagabi, nakikipaglamay ang biktima sa patay sa kapitbahay nang mapansin ang mga nagsusugal ng cara y cruz.
Nilapitan ng biktima ang mga nagsusugal at sinabihan na magbigay ng tong sa patay na pinalagan ni Brando.
Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at tinarakan ang biktima.
Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa EAMC.