Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 25 March 2013
Source: http://www.remate.ph/2013/03/kelot-tinarakan-ng-nakisali-sa-inuman-tigbak/
DEAD on arrival sa Quezon City General Hosiptal ang isang lalaki makaraang saksakin ng nakihalo sa inuman sa Valenzuela City, Linggo ng gabi.
Sa report ng pulisya, namatay ang biktima na si Jay Fediluz, 38 ng Sampalok st., Ugong ng lungsod, dahil sa tinamong saksak sa katawan.
Swak naman sa selda ang suspek na kinilalang si Jerry Blury, 41-anyos at kalugar ng biktima.
Lumalabas sa pagsisiyasat na dakong alas-11:00 ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima sa gilid ng bahay ng suspek nang makiumpok ang huli sabay sabing “Pwede ba ako diyan”.
Hindi na nakatanggi ang mga tumatagay at nakihalo na ang suspek subalit makalipas ang ilang sandali ay tinabihan ng suspek ang biktima sabay sabi na “Umbagin kita”.
Nagulat ang mga nag-iinuman nang biglang maglabas ng patalim ang suspek sabay saksak sa biktima.
Matapos ang pananaksak ay dinala ang biktima sa QCGH habang nadakip naman ang suspek ng mga rumespondeng mga pulis.
Inaalam na ng awtoridad kung ano ang ikinagalit ng suspek sa biktima.