Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 21 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Isang kawani ng pamahalaang lungsod ang napatay matapos ratratin ng riding-in-tandem sa bahagi ng Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si Felicitas Jose, isang matandang dalaga, nakatalaga sa Treasurer’s Office ng Laoag City Hall at nakatira sa Barangay Lagui-Sail. Nabatid na patungo sa selebrasyon ng Chartered Day Anniversary nang pagbabarilin ang van ng biktima. Gayon pa man, nakaligtas ang dalawang iba pang sakay ng van subalit napuruhan ang biktima. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa negosyo ng biktima na nagpapautang.