Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo
nihahanda na ng mga otoridad ang patong-patong na kasong isasampa laban sa lalaking nang-hostage ng kaniyang asawa at dalawang anak sa loob ng Kampo Karingal kagabi.
Ayon kay Salik Ampuan, nagawa niyang i-hostage ang pamilya dahil sa kalasingan.
Sa inisyal na imbestigasyon, sumakay ng tricycle sina Ampuan kasama ang asawa at nagtungo sa kampo upang i-report ang nawawalang anak.
Kaagad na tinutukan ng kutsilyo ng suspek ang driver ng tricycle at nagbantang babarilin kapag lumapit ang mga pulis.
Inabot ng isang oras ang hostage-taking at wala namang nasaktan sa nasabing insidente.