Kaso laban sa mag-asawa na bumaril sa ama sa La Union, binawi na

Injured Killed
0 1

Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo

LA UNION – Hindi na ipupursige pa ng pamilya Galdones ang kaso laban sa sariling anak at manugang na umano’y bumaril sa kanilang ama sa Barangay Nagsabaran Norte, Balaoan, La Union.

 

Ito’y matapos pumirma sa affidavit of desistance ang misis ng biktima na si Jovita Galdones kasama si Armando Galdones.

 

Ang pagbasura ng kaso ay nakasaad sa inilabas na resolusyon ni Provincial Prosecutor Danilo Bumacod mula sa Provincial Prosecutor’s Office sa syudad ng San Fernando.

 

Una rito, bandang alas-7:45 ng gabi noong Hulyo 31, 2013 binaril umano ang amang si Leo Galdones ng kanyang sariling anak na si Hernan Galdones, 34, kasabwat ang manugang at misis ni Hernan na si Janice Galdones, pare-parehong residente ng nasabing lugar.