Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Dead on the spot ang isang barangay kapitan at isang sibilyan matapos na barilin pasado alas-4:30 ng madaling araw kanina sa may bahagi ng Barangay Taguican sa Bayan ng Cataingan sa Masbate.
Kinilala ang mga biktima na si Erenio Booc y LovitaƱa, 43, barangay kapitan ng Barangay Divisoria ng nasabing lugar kasama ang isang Marlon Etcobanes y Detios, 20.
Batay sa impormasyon, habang binabaybay ng dalawa ang kahabaan ng municipal road ng Brgy. Taguican ay bigla na lamang silang tinambangan ng tatlong hindi nakilalang suspek.
Nagtamo ng tama sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na agaran nitong ikinamatay.
Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyari.
ng pamamaril sa nasabing opisyal.