Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Isang babae na kapatid ng isang mayoralty aspirant ang nasawi habang nasa kritikal naman ang lagay ngayon sa isang ospital ang kasama nitong lalaki kasunod nang pananambang sa may Barangay Mahayahay, Kumalarang sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO-9), kinilala ang namatay na si Nely Joy Molina at sugatan naman si Reneboy Ampoan na kapwa residente ng Barangay Diplo ng nasabing bayan.
Nakasakay umano sa isang motorsiklo ang dalawang biktima pasado alas-4:00 ng hapon kahapon nang harangin ng anim na armadong kalalakihan at pagkatapos ay biglang binaril.
Kaagad ding nakatakas ang mga salarin matapos ang nangyaring pananambang.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente para matukoy ang mga responsable sa krimen. (MRDS)