Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 20 May 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Utas ang isang kapitan ng barangay nang tambangan ito habang nanananghalian nitong Linggo sa bayan ng Dinas sa Zamboanga del Sur, ayon sa mga pulisya.
Kinilala ni Chief Inspector Arieal Huesca, tagapagsalita ng Police Regional Office 9 (PRO), ang biktimang si Julian Torres Nacua na kapitan ng Barangay West Migpulao.
Base sa imbestigasyon, nasa loob ng kanyang bahay ang biktima sa Purok Sampaguita nang paputukan siya ng suspek na si Muamar Fermin habang nanananghalian kasama ang kanyang pamilya.
Namatay kaagad si Nacua dahil sa iba’t ibang tama ng bala sa katawan, habang madali namang nakatakas ang suspek.
Sinabi ni Huesca na pinaniniwalaan ng mga imbestigador na personal na motibo ang nagtulak sa pamanaril ngunit hindi nila iniisantabi kung may kinalaman ito sa katatapos lamang na eleksyon.
Nitong panahon ng eleksyon ay ilang mga lider ng barangay ang hinaras o itinumba sa Zamboanga del Sur