Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 29 October 2013
Source: Bombo Radyo
BUTUAN CITY – Hindi na umabot pa sa canvassing of votes sa barangay elections ang kandidato sa pagka-konsehal sa Dinagat Island province matapos itong tagain sa kasagsagan ng eleksyon dahil lang sa hindi nabayarang utang.
Nakilala ang biktimang si Godofredo Siega Jabay, 59-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Albor, bayan ng Libjo, Dinagat Islands.
Habang ang suspek ay si Marjun Sapio Talotho, 29-anyos, at residente ng Sitio Dapya, Brgy. San Antonio, sa nasabi ring bayan.
Ayon sa imbestigasyon, nagalit umano ang suspek nang malamang nagmumudmod ng pera ang biktima kahit na hindi pa nito nabayaran ang kanyang utang na nagkakahalaga ng P3,900.
Dahil dito kung kaya’t pinagtataga niya ito resulta sa agarang pagkamatay ng kandidato.
Nahuli naman ng pulisya ang suspek na nasa kustodiya na ng Libjo Muncipal Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay.