Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 01 May 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
BANISILAN, North Cotabato, Philippines – Isa na namang kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) sa pagka-konsehal ang napatay matapos pagbabarilin ng riding-in tandem assassins sa bayan ng Banisilan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.
Napuruhan sa ulo at likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Omar Gapor na kumakandidato sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).
Ayon kay P/Senior Supt. Danilo Peralta, North Cotabato PNP provincial director, habang nagliligpit ang biktima ng mga gamit sa katatapos na campaign rally nito sa Sitio New Paradise, Barangay Poblacion nang lapitan at ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo.
Nagkapulasan ang ibang kasamahan ni Gapor matapos umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kaya sinamantala ng gunmen na tumakas lulan ng motorsiklo.
Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang dalawang anggulong may kaugnayan sa politika at clan war ang motibo sa pamamaslang.