Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 21 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Umabot sa sukdulan ang galit ng isang mister matapos nitong pagbabarilin hanggang sa mapatay ang kalaguyo ng kaniyang misis na nabisto nito sa text messages sa Brgy. Cabugao Nuevo, bayan ng San Enrique, Iloilo kamakalawa. Kinilala ang nasawi na si John Cahinding habang kinasuhan naman ang suspek na si Jun Sumbilla.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nabigla at napoot si Sumbilla sa nabasang text messages ng biktima sa cell phone ng kaniyang misis kaya nagkunwari itong siya ang karelasyon.
Gayon pa man sa palitan ng text messages matapos na magpanggap na karelasyon ay nadiskubre ng suspek na may naganap na pagtatalik sa mag-lover.
Kinuha ng suspek ang nakatagong shotgun kung saan kinompronta ang biktimang dumating sa itinakda niyang pagtitipanan. Dito na pinagbabaril ng suspek ang biktima.