Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 25 May 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Dalawang kawani ng National Irrigation Administration (NIA) ang iniulat na napatay matapos ratratin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Garita, bayan ng Cabagan, Isabela kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Supt. Narciso Paragas ang mga biktima na sina Arnel Bacani at Joel Bagunu, kapwa nakatira sa bayan ng Sto. Tomas.
Nabatid na patungo ang mga biktima sa kanilang istasyon sa bayan ng Cabagan sakay ng traysikel nang ratratin pagsapit sa abandonadong lugar.
Ayon pa sa pulisya, si Bagunu ay malapit na kamag-anak ni outgoing Congressman Rodolfo Bagunu Albano Jr. na ngayon ay mayor-elect sa bayan ng Cabagan.
Sinabi pa ni P/Supt. Paragas, isang nagngangalang Alex na sinasabing huling nagbanta kay Bagunu ang pinaghahanap ngayon ng pulisya.