Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 26 January 2013
Source: by Jay Reyes Jan 26, 2013 12:04am HKT
PATAY ang 44-anyos na jeepney operator nang pagsasaksakin ng isang kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang magselos ang huli dahil sa hinalang muling nakikipagkita ang kanyang kalive-in sa una na dati nitong kinakasama kaninang madaling-araw sa Pasay City.
Namatay habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital si Johnny Villaruel, ng 49 Pinagkaisanan St., Lower Bicutan, Taguig City sanhi ng malalim na tama ng saksak sa kaliwang dibdib.
Tinangka ring paslangin ng suspek na si Arnolfo Ferrer, 36, ng 351 Apitong St., Comembo, Makati City ang kinakasamang si Jocelyn Balberona, 37 subalit nagawang makapagtago ang ginang kaya’t nagpasiya ng tumakas ang salarin.
Ayon kay Chief Insp Joey Goforth, hepe ng Investigation and Detective Management Section ng Pasay police, naghinala si Ferrer na nakikipagkita pa ang kanyang kinakasamang si Balberona sa kay Villaruel na dati nitong kalive-in kaya’t palihim niyang tiniktikan ang galaw ng dalawa.
Alas-3:20 ng madaling araw nang makita ni Ferrer ang nakaparadang jeepney ni Villaruel sa gilid ng Guanzon Motors sa EDSA kung saan may food stall naman ang kanyang kalive-in na si Balberona.
Natutulog sa loob ng kanyang jeepney ang biktima nang gisingin sa pamamagitan ng sampal ng suspect na noon ay armado na ng patalim.
Nagawa pang makatakbo ng biktima subalit hinabol siya ni Ferrer hanggang abutan at inundayan ng saksak.