Injured | Killed |
---|---|
3 | 0 |
Date: 08 February 2013
Source: Feb 8, 2013 7:15pm HKT remate.ph
Feb 8, 2013 7:15pm HKT
MALAMIG na rehas ngayon ang hinihimas ng isang holdaper na kasama sa nambiktima sa isang owner type jeep na natrapik sa Caloocan City, Huwebes ng hapon.
Nakilala ang nadakip na suspek na si Junar Villaruel, 21-anyos, ng Pama-Sawata ng lungsod habang nakatakas naman ang tatlong kasama nito.
Sa ulat, dakong alas-3:30, ng hapon, natrapik sa C-3 Road ng lungsod ang owner type jeep na sinasakyan nina Cindy Figueroa, 30, branch manager ng Jollibee sa 11th Avenue at residente ng C. Name St., kapwa ng lungsod; at magnobyang sina Casilyn Figueroa, 21 at Alexander Bernal, 21 nang lapitan ng mga suspek at holdapin.
Nakuha sa mga biktima ang kanilang mga cellphone habang wallet na naglalaman ng P12,000 at laptop ang nakuha kay Cindy.
Mabilis na tumakas ang mga suspek habang nagsumbong sa mga pulis ang mga biktima.
Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Villaruel sa kanilang bahay. Bukod sa identification card ni Cindy, nakuha rin sa suspek ang isang balisong at mga shabu paraphernalia.
Hindi naman nabawi ang mga nakumlimbat sa mga biktima dahil nakatakas ang mga kasama ni Villaruel.