Jailguard utas sa tandem

Injured Killed
0 1

Date: 05 May 2013
Source: Phil Star Pang Masa

MANILA, Philippines – Utas ang isang jailguard makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagmomotorsiklo sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay naki­lalang si Jail Officer 4 Benjamin Signat, 44, mi­yembro ng Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) na  residente ng #1885 Cabangis St., Tondo, Maynila.

Nabatid mula kay SPO2 Manuelito Vibar ng  Manila Police District  Station 3, na dakong  alas-8:00 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa biktima sa panulukan  ng Malabon at Felix Huer­tas Sts., Tayuman, Sta. Cruz, Maynila.

Papasok sa trabaho sa Manila City Jail (MCJ) at nakasuot ng uniporme ang biktima na nagmamaneho ng kaniyang Kymco motorsiklo na may plakang 8520-XP, nang dikitan ng isa pang motorsiklo sakay ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Habang tumatakbo ang dalawang motorsiklo nang bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at limang beses na pinaputukan ang biktima habang nakatalikod.

Nang makitang bu­magsak sa kalsada ang biktima ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek patungo sa direksiyon ng Rizal Avenue.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng MPD ang mga basyo ng bala ng kalibre .22 na pistola sa kinaga­napan ng insidente na si­na­sabing ginamit ng mga salarin sa pamamaslang sa biktima.

Hindi pa batid ng pulis­ya ang motibo ng krimen at hindi parin matukoy kung sino ang mga salarin.

Dalawang anggulo ang tinututukan ngayon ang MPD-Homicide Section na maaaring ugat ng krimen, ang una ay personal na galit at ang ikalawa ay may kinalaman sa kanyang trabaho bilang jailguard ng MCJ.