Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 18 February 2013
Source: Bombo Radyo
DAGUPAN CITY – Kinumpirma ni P/C Insp. Modesto Carrera, pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Pangasinan na kanila ng naaresto ang isa sa mga suspek sa pananambang sa napaslang na mag asawang sina Ramon at Zorahayda Arcinue sa bayan ng Binmaley.
Ayon kay Carrera na kanilang naaresto si Sergio Ferrer na isang empleyado ng provincial jail sa bayan ng Lingayen noong February 8, 2013 sa bisa ng warrant of arrest sa kaso nitong double frustrated murder.
Kusa din aniya itong sumuko sa kanilang himpilan matapos na maisilbi ang warrant of arrest ngunit agad din itong nakalaya matapos makapaglagak ng P100,000 na piyansa mula sa unang naitakdang P200,000.
Inamin ni Carerra na maliban kay Ferrer ay mayroon pa rin silang iba pang suspek sa insedente bagama’t hindi na niya ito pinangalanan.
Iginiit naman ni Carerra na hindi pa nila masabi sa ngayon kung may kinalaman ang suspek sa pagpatay sa mag-asawang Arcinue sa Sampaloc Maynila noong Marso 2012, isang taon bago isagawa ang pananambang sa mga ito sa bayan ng Binmaley habang pauwi sila sa kanilang tahanan sa bayan naman ng Lingayen.