Isa pang Army officer, patay sa engkuwentro sa Zamboanga vs MNLF

Injured Killed
0 1

Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo

Pumanaw na rin ang isa pang batang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasugatan matapos makipag-engkuwentro sa mga MNLF rebels sa Zamboanga City.

Kinumpirma ngayon ni Army spokesperson Col. Randolph Cabangbang na binawian ng kaniyang buhay si Army First Lieutenant Francis Damian ng 3rd Light Reaction Company ng Light Reaction Battalion, kaninang umaga.

 

Ang 28-anyos na si Damian, may-asawa at taga-Quezon City,  ay miyembro ng Philippine Military Academy Class 2007 at nanguna sa pakipagbakbakan sa mga rebelde sa Brgy. Santa Barbara kahapon ng hapon.

 

Pumanaw siya habang naka-confine sa Ciudad Zamboanga Hospital kaninang alas-8:40 ng umaga.

 

Maalala na unang nasawi sa engkuwentro si First Lieutenant John Christopher Rama matapos tamaan ng sniper fire noong nakaraang linggo.

 

Napatay din si Army Second Lieutenant Florencio Mikael Meneses ng 7th Scout Ranger Company habang nagsasagawa ng clearing operations ang tropa nito sa Brgy. Sta. Catalina.

 

Sa ngayon ay nasa 16 na sundalo at pulis na ang nasawi sa nagpapatuloy na standoff sa Zamboanga.