Indian national sugatan nang magbaril sa kanyang sarili sa GenSan

Injured Killed
1 0

Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo

GENERAL SANTOS CITY – Ligtas na ang  kalagayan at nagpapagaling na lamang sa ospital ang isang Indian national matapos magbaril sa kanyang sarili. 
 
Kinilala ang biktima na si Money Sing Kumar, 23, binata, tubong Ludhiana, India ngunit kasalukyang nakatira sa Balingbing St. GenSan. 
 
Ayon kay SPO2 Rex Diongon, imbestigador ng Makar PNP, natagpuan ang biktima sa damuhang bahagi ng Brgy. Apopong sa lungsod na may tama ng baril sa kanyang tiyan. 
 
Nang dinala sa pagamutan, sinabi ng biktima na nagbaril ito sa kanyang sarili dahil umano sa problema sa pera. 
 
Nagalit umano ang kanyang ama dahil sa paglustay nito ng pera. 
 
Bagama’t nanganib ang buhay, nahaharap ngayon ng kasong paglabag sa Comelec gun ban ang biktima at illegal possession of firearms matapos marekober ang baril sa kanyang posisyon.