Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 24 May 2010
Source: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=577854&publicationSubCategoryId=93
Indian national patay sa ambush
Ni Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) Updated May 24, 2010 12:00 AM
MANILA, Philippines – Patay ang isang 25-anyos na Indian national matapos na pagbabarilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek, habang sakay ng kanyang motorsiklo, sa tapat ng isang vulcanizing shop, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Bala mula sa kalibre .45 baril ang ginamit sa pamamaril sa ulo na tumagos sa kaliwang mata ng biktimang kinilalang si Baljinder Singh, ng Silangan st., Maypajo, Caloocan City.
Sa ulat ni Det. Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 10:30 ng umaga nang maganap ang pananambang sa biktima sa harap ng Helen Vulcanizing Shop, na matatagpuan sa panulukan ng Radial 10 at Capulong Highway,Tondo, Maynila.
Sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo na may plakang ZN-5221 nang pagsapit sa nasabing lugar ay biglang sumulpot sa likuran ang isang di kilalang lalaki na dalawang ulit na pinaputukan sa likod ng ulo ang biktima. Mabilis ding tumakas papasok sa isang eskinita ang suspek bitbit ang ginamit na baril.
Ayon kay Lumbad, walang nais na magsalita sa mga residente sa lugar hinggil sa naganap na pamamaril.
Narekober sa bulsa ng biktima ang kaniyang wallet na may P1,200 cash, driver’s license at cellphone.
Dinala na sa St. Harold Funeral Homes ang bangkay ng biktima. Patuloy pa ang imbes tigasyon sa kaso upang matukoy ang responsable sa krimen at motibo ng pamamaslang.