Indian national, hinoldap sa CDO

Injured Killed
0 0

Date: 04 May 2013
Source: Bombo Radyo

CAGAYAN DE ORO CITY – Isang Indian national ang biktima ng pangho-holdap habang naglalakad sa Brgy. Cugman dito sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Kinilala ang biktima na si Gorwendel Singh.

Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima nang biglang sumulpot ang tatlong kalalakihan na armado ng .45 caliber pistol dahilan upang nakuha sa kanya ang P1,500 na cash, immigration ID at ATM cards.

Agad tumakas ang mga suspek matapos ang pangho-holdap sakay ng motorsiklong walang plaka.