Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 15 April 2013
Source: Phil Star Pang Masa
MANILA, Philippines – Binaril at napatay ang isang bagong gising na street sweeper matapos mapagkamalang sangkot sa isang rambol nang mag-usisa ito sa nagaganap rambulan kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Ang nasawi dahil sa tinamong pellet sa dibdib ay kinilalang si Deogracias Ortillo, 58-anyos, residente ng Building 9, Unit 207 Katuparan, Vitas, Tondo.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling-araw ay mahimbing natutulog ang biktima nang ito ay maalimpungatan sa kaguluhan malapit sa kanyang bahay. Bumangon ito at lumabas ng bahay para mag-usisa nang bigla na lamang itong barilin ng suspek na may nakaaway at inakala na ang biktima ay kasama.