Illegal drugs at gun-running suspect, pinatay sa Gensan

Injured Killed
0 1

Date: 30 May 2013
Source: Bombo Radyo

GENERAL SANTOS CITY – Binaril ng hindi kilalang nakamotor na lalaki ang suspek sa gun-running at suspek na rin sa illegal drugs habang nasa loob ng isang billiards hall.

 

Kinilala ni SPO1 Ronimel Lisa ng Polomolok police station ang biktima na si Gladmer Belen, 38-anyos may asawa at residente ng Cannery, Polomolok, South Cotabato.

 

Bigla umanong pumasok ang suspek sa loob ng billiards hall at binaril sa malapitang distansya ang biktima.

 

Nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng dibdib ang biktima gamit ang caliber .45 pistol.

 

Kaagad dinala sa hospital ang biktima subalit binawi-an ito ng buhay.

 

Nalamang nasa watchlist ng PDEA ang biktima habang may kaso pa sa korte sa pagtulak ng droga.