Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Iniimbestigahan pa ng Naga City Police Office (NCPO) ang nangyaring pagnanakaw sa tatlong establisyemento sa Naga City.
Kasama sa mga ninakawan ang cellphone repair shop, dental clinic at isang restaurant kung saan pinaniniwalaang kumain pa ang mga hindi nakilalang suspek.
Batay sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga, alas-7:30 kaninang umaga nang madiskubre ng ilang empleyado ng Peter’s Photo Studio na bukas na ang pintuan nila sa kusina.
Butas din ang kanilang dingding na gawa sa plywood na naging daan para pasukin ng mga ito katabing restaurant.
Dito kumain pa ang hindi pa nakikilalang mga suspek dahil nabawasan ang kanin sa rice cooker at nawawala rin ang litson kawali.
Tumuloy din ang mga ito sa dental clinic subalit wala namang nawala.
Subalit hindi pa nakuntento ang mga suspek at pinasok ang isang cellphone repair shop at dito tinangay ang apat na cellphones at load na halagang P6,000.
Sa ngayon, inaalam pa kung ilan ang kabuuang natangay ng mga suspek sa tatlong establisyemento.