|
Trahedya sa field trip — Sinisiyasat ng mga awtoridad ang nawasak na tourist bus na may lulang mga estudyante na nagsagawa ng field trip matapos na sumalpok sa isang cargo truck sa Tuba, Benguet na ikinamatay ng pito katao. (AP) |
Agaw-buhay ang isang ama matapos magtamo ng mga saksak sa mismong anak kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Kinilala ang biktimang si Ronald Chavez Sr., 46-anyos, ng Progreso St., Bagong Barrio, Caloocan City na nagtamo ng malalim na saksak sa tagiliran at braso.
Ayon sa asawa ng biktimang si Caroline Chavez, 40-anyos, ng nasabi ring lugar, kakauwi lang umano ng lasing nilang anak na si Ronald Chavez Jr., 26-anyos, na nakatira sa kanilang tahanan ganap na alas-12:03 ng madaling-araw nang sitahin ito ng ama dahil sa madalas umanong pag-uwi ng gabi at kung minsan ay madaling-araw na.
Iwas nang iwas umano ang suspek sa amang nagtatanong ngunit hindi siya nilulubayan ng ama. Napansin na umano ni Aling Caroline na nakukulitan na ang kanyang lasing na anak dahil sa reaksyon ng mukha nito pero patuloy umano ang pagtatanong at pangangaral ng biktima sa suspek.
Nangangaral umano ang ama nang bigla itong sakyurin ni Jr. ng isang icepick at bahagyang nakailag kaya’t tinamaan sa braso pero sa pangalawang saksak ng anak ay napuruhan ito sa tagiliran.
Matapos ang pananaksak sa ama ay umalis na ang suspek, samantalang isinugod kaagad ni Caroline ang asawa sa ospital.
“Hindi ko alam! Hindi ko inaasahang magyayari ito, hindi ko rin alam kung nasaan ngayon ang anak ko, pero nag-aalala talaga ako sa kanya lalo na sa asawa ko,” ani Caroline sa panayam ng Tonite nang tanungin kung sasampahan nilang mag-asawa ng kaso ang sariling anak.
|