Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 16 February 2013
Source: Remate.ph by Marjorie Dacoro /Photo: Ivan Gaddia
DEDO ang hinihinalang holdaper makaraang mabaril ng isang pulis sa Lope De Vega Street, kanto ng T. Alonzo Street sa Sta. Cruz, Maynila.
Napatay ni Gandara Police Community Precinct deputy commander, Senior inspector Elmer Gutierrez ang suspek na kinilalang si Rex Tan, 27-anyos, binata at tricycle driver.
Sa report, hinoldap ni Tan kasama ang isa pang hindi nakilalang suspek ang isang pampasaherong dyip.
Nakapagsuplong naman agad ang mga pasahero sa mga nagpapatrulyang pulis.
Nasakote ng mga awtoridad ang mga suspek na lulan ng isang traysikel ngunit nagkaroon pa nang habulan dahil nagtangka pang tumakas ang mga kawatan.
Nang maabutan, tinutukan ng baril ni Tan ang isang pulis kaya bumunot ng baril si Gutierrez at napaputukan ang suspek.
Nagtamo ng tama ng bala si Tan sa binti at dibdib habang nakatakas naman ang kasama nito.
Napag-alamang laruang baril lamang pala ang ginamit ni Tan.
Narekober sa suspek ang isang bag at cash.