Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 17 May 2013
Source: Bombo Radyo
Patay ang isang holdaper matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) kaninang madaling araw.
Ayon kay QCPD district director Richard Albano, limang kalalakihan na armado ng patalim ang sumakay sa bus sa bahagi ng Quezon Avenue at nagdeklara ng hold-up.
Pagdating sa Mother Ignacia street, nabaril ng isang pulis ang isang suspek na nagkataong nakasakay sa naturang bus.