Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 29 September 2013
Source: Phil Star Pang Masa
MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang dalawang kilabot na holdaper matapos nilang holdapin ang isang taxi driver kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell ang mga suspek na sina Mark Nelson Pajarillo, 21; at Florencio Martirez Jr., 33.
Kinilala naman ang kanilang naging biktima na si Romeo Gagala, 51, residente ng Garido St., Santa Ana, Manila.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng madaling-araw, habang namamasada ang biktima ng kanyang taxi nang parahin ng mga suspek sa may Multinatinal Village, ParaƱaque City at nagpapahatid ang mga ito sa Domestic Road, Pasay City.
Pagsapit nila ng Domestic Road, tinutukan ng patalim nina Martirez at Pajarillo ang biktima at nagdeklara ng hold-up saka nililimas ang maghapong kinita nito sa pamamasada.
Tiyempo namang nagsasagawa ng check-point ang mga pulis at dito nagkaroon ng pagkakataon ang biktimang si Gagala kung saan tumalon ito mula sa kanyang taxi at humingi ng saklolo sa mga awtoridad.
Dito nadakip ng mga pulis ang nabanggit na mga suspek na hindi na nakuha pang makapuga.