Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 17 February 2013
Source: by Robert Ticzon Feb 17, 2013 1:16pm HKT remate.ph
TIGBAK sa pagkasa sa awtoridad ang isang lalaking nangholdap sa isang dalaga sa Cubao, Quezon City nitong Sabado ng gabi (Pebrero 16).
Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang suspect na si Richard Castro, miyembro ng SOTODA sa Barangay Soccoro, Q.C.
Naganap ang insidente dakong 9:45 nitong Sabado ng gabi sa isang bisinidad ng 11th Avenue, Murphy, Cubao.
Ayon sa biktimang si Rachel, 22, bago ang insidente ay halos kabababa pa lamang niya mula sa isang pampasaherong bus nang bigla siyang tutukan ng baril ng suspect ng kalibre .38 sa kanyang tagiliran.
Sa takot na barilin, ibinigay na agad ng dalaga ang kanyang pera at cellphone sa suspect na agad namang tumakas.
Sinuwerte naman ang biktima dahil tiyempong may dumaan na nagpapatrolyang QCPD mobile patrol at agad hinabol ang kawatan.
Inabutan naman ang suspect na naglalakad sa 11th Avenue, Murphy Cubao at imbes sumuko ay pinapatukan ang mga rumespodeng pulis kaya gumanti rin ng putok at napatimbuwang agad ang kawatan.