Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 30 November 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Bigo na naman ang pulisya na masakote ang mga kilabot na holdaper makaraang muling sumalakay sa isang pampublikong bus at biktimahin ang siyam na pasahero nito, kamakalawa ng madaling-araw sa Pasay City.
Wala nang nagawa ang mga biktimang pasahero na karamihan ay mga call center agents kundi iulat na lamang sa Pasay City Police ang naganap na panghoholdap sa kanila ng tatlong armadong salarin.
Sa salaysay nila sa pulisya, sinabi ng mga biktima na sakay sila ng Metro Link bus (TVX 692) na may biyaheng Malanday-Cavite dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang magdeklara ng holdap ang tatlong suspek pagliko sa Roxas Blvd. patungo sa Baclaran.
Tinutukan ng baril ng isa sa mga holdaper ang driver ng bus na si Joseph Redera habang dalawa sa kanyang mga kasamahan ang isa-isang sinamsam ang salapi, cellphone ang iba pang personal na gamit ng mga pasahero.
Matapos ang pangungu limbat, bumaba ang mga suspect sa paanan ng flyover sa Baclaran area at nagtakbuhan patungo sa hindi nabatid na lugar.
Sa rouge gallery ng Pasay Police, nakilala ng biktimang si Lexdel Espinosa, 39, isang waiter, ang isa sa mga holdaper na si Efren Baltazar. Nabatid na dati nang nadakip si Baltazar at nakulong sa Pasay City Jail dahil sa kasong panghoholdap.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya upang mahuli si Espinosa at mga kasamahan nito.