Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
CAGAYAN DE ORO CITY – Kulong ngayon ang suspek na nasa likod ng sunod-sunod na robbery with shooting incidents sa lungsod.
Ito’y matapos maaresto ng pulisya sa pamamagitan ng joint operation ng Macabalan police station at Cogon Police Station ang suspek na si Sonny Simborio, 21, walang asawa at nakatira sa Accretion, Barangay Macabalan sa lungsod.
Sinubukan pa ng suspek na lumaban sa mga otoridad subalit wala itong nagawa.
Nakuha sa posisyon sa suspek ang isang 9mm pistol at 10 mga bala.
Inamin ng suspek na siya ang responsable sa mga kaso ng paghoholdap.