Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 16 August 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
CAMARINES NORTE, Philippines – Aabot sa P.5 milyong payroll ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng San Lorenzo Ruiz ang nalimas makaraang tangayin ng mga holdaper sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Ayon kay P/Senior Insp. Domingo Sario Jr, nag-withdraw sa banko ang tatlong kawani ng nasabing munisipyo na sina Jorge Placido, Anthony Belleza, at si Romeo Sical. Gayon pa man, bago bumalik sa munisipyo ay nagkayayaang kumain sa Kinalasan Eatery kung saan naholdap habang papasok sa karinderya. Nakatakas naman ang mga holdaper sakay ang motorsiklo kung saan patuloy na iniimbestigahan ang anggulong inside job.