Higit 60 ‘organized crime group,’ tinututukan – PNP

Injured Killed
0 0

Date: 30 January 2013
Source: Bombo Radyo

DAGUPAN CITY – Umaabot sa 63 na personalidad ang kasalukuyang nasa ilalim ng imbestigasyon ng Pangasinan PNP na posibleng mga taong nasa likod o miyembro ng organized crime group sa lalawigan.

Ayon kay S/Supt. Marlou Chan, PNP police provincial director sa Pangasinan, maliban dito ay mayroon pang mahigit sa 83 na case build-up na kanilang tinututukan.

Ito umano ang bilang ng mga kasong nakaatang ngayon sa balikat ng mga intelligence officer sa lalawigan na binibigyang pansin.

Sa kabila nito, nilinaw niya na posibleng ang ugnayan ng mga organized crime group sa ilang pulitiko ay maaring case to case basis lamang at hindi talaga sila ganap na konektado sa mga ito.