High powered firearms, narekober ng otoridad sa Zamboanga Sibugay encounter

Injured Killed
0 0

Date: 19 April 2013
Source: Bombo Radyo

ZAMBOANGA CITY – Nakuha ng PNP at militar ang ilang matataas na kalibre ng baril sa nangyaring sagupaan ng tropa sa mga hinihinalang miyembro ng lawless element sa Sitio Tandu Timang, Barangay Crossing Sta. Clara, Naga, Zamboanga Sibugay.

Batay sa ulat ng Western Mindanao Command (WestMinCom), bandang alas-4:00 ng hapon nang maka-engkuwentro ng kapulisan ng Naga municipal police station, Provincial Public Safety Company (PPSC) at Zamboanga Sibugay Provincial Police station (ZSPPO) kasama ang tropa ng 44th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA) ang nasa 15 mga armadong kalalakihan.

Tumagal umano hanggang 30 minuto ang palitan ng putok sa lugar bago tuluyang umatras ang armadong grupo.

Walang nasugatan sa panig ng mga otoridad habang inaalam pa kung may mga casualty sa kanilang kalaban.

Sa isinagawang clearing operation sa lugar, narekober ang isang Carbine rifle, detached grenade launcher, rifle grenade at mga magazine na may mga bala ng M16 at M14 Rifle, pati na ang ilang baril. (MRDS)