Hepe at pulis, sugatan matapos binaril ng wanted sa Cebu; suspek patay

Injured Killed
2 1

Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo

CEBU CITY – Sugatan ang isang hepe at isang pulis matapos binaril ng lalaking wanted sa Barangay Dakit, Barili, Cebu.

 

Kapwa nagtamo ng sugat sa balikat sina si Police Insp. Arvi Arbuis, hepe ng Barili Police at PO2 Pablito Caadlawon, matapos tambangan ng suspek na si Arley Satinitigan ng Barangay Poblacion lungsod ng Carcar.

 

Ayon kay PO2 Richard Cababat ng Barili Police Station, nakatanggap sila ng tip mula sa isang concerned citizen ukol sa isang armadong tao na umiinom ng alak sa tindahan na pinagmamay-ari ni Kapitan Elma Bargamento sa naturang barangay.

 

Daling pinuntahan ng pulisya ang nasabing lugar at nagpakilala sa suspek ngunit kumuha ito ng granada at itinapon sa mga pulis ngunit hindi ito sumabog.

 

Bumunot din ng armas si Satinitigan at binaril ang pulis na nagtulak sa hepe na gumanti ng putok na naging dahilan ng agarang kamatayan ng suspek.

 

Napag-alaman na ang namatay na suspek ay wanted matapos binaril hanggang sa mapatay ang kapitbahay nito na si Evelio Boy Flores noong 2005 at pinaniniwalaang nagtatago sa bayan ng Barili dahil sa naturang kaso.